Monday, December 27, 2010

Sustaining Gained Grounds on the Way to Financial Freedom (Tuloy-tuloy Tungo sa Kalayaang Pinansyal)

Ni:  Gilbert M. Forbes

Sadyang mahirap at punung-puno ng hamon ang landas tungo sa Kalayaang Pinansyal lalo na kung isa’t kalahating dekada ka ng guro, empleyado o manggagawa.  Ang paglaya pa lamang sa pagkakautang ay isa ng napalaking pagsubok na tila ba imposibleng ipasa lalo na kung iisipin na kung minsan ay parang hindi yata nakikisama ang panahon tulad ng biglaang pagkakasakit sa alinman sa kasapi ng pamilya at iba pa.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang pinakamahalaga ay ang dalisay na hangarin at pagnanasa na makalaya sa kakapusan sapagkat sa huli, kung magiging mabuway tayo sa gitna ng mga pagsubok ay lalo lamang lalala ang sitwasyon at lalambong ang panginurin ng isang maaliwalas na bukas para sa atin.

Sa pagkakataong ito ay dapat mahalagang bantayan natin ang ating disposisyon sa mga bagay na maaaring magpahina sa ating pagnanais na makalaya sa kakapusan at bagkus at magpatianod na lamang sa tinatawag nilang agos at gulong ng buhay na kung tutuusin ay pawang tayo ang may kontrol.  Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
  • Impluwensya ng kapwa lalo na ng mga kaibigan, katrabaho at kaanak- Halimbawa nito ang kuwento ni Berto na nagsimulang magtanong sa sarili kung tama nga ba ang kanyang nilalandas ng mabasa ang aklat na Pera Mo Palaguin Mo (Wealth Within Your Reach) ni Francisco J. Colayco noong huling bahagi ng 2005.  Pano ba naman, tatlong libo na lamang ang neto ng buwanang sahod na kanyang tinatanggap kaya nagpasya syang subukan at tila nagtagumpay naman sya.  Nabayaran nya ang mga pangunahing pagkakautang at tumaas ang buwanang neto sa mahigit sa walong libo at nagsimula ng makaipon hanggang sa siya ay magpakasal noong 2008 sa isang babae tulad nya ay praktikal din.  Pinagpasyahan nila na pinakasimple lamang ang kanilang kasal at hindi lalampas sa Php50,000 ang kanilang gagastusin upang hindi na sila mangutang pa ng panghanda subalit dahil sa impluwensya ng mga kaanak, kaibigan at mga katrabaho ay hindi ito nangyari.  “Minsan lang kayong ikakasal,” anila.  Sa medaling salita, naubos ang inipon at nagsimula silang may utang na nadagdagan pa dahil sa ceasarian hospitalization ng isilang ang kanilang panganay.  Hanggang sa kasalukuyan ay binubuno pa rin nila ang mga pagkakautang na ito na inaasahan nilang matatapos pa sa 2015 kasabay ng pagsiguro sa edukasyon ng kanilang panganay at ng kanilang buhay at kalusugan.   Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga impluwensya ng mga taong malalapit sa atin.  Nandiyan pa ang mga biglaang gimikan tulad ng mga party, buying spree, fashion, at iba pa.  Malimit sa hindi, sila ang una-unang kukumbinse sa atin na bumili ng ganito, kumuha ng ganito tulad nila.  
  • Kultura at Pagpapahalaga-  Ang nabanggit na halimbawa sa itaas ay masasabi ring impluwensya ng kultura at pagpapahalaga.  Kasal, Birth Day, Piyesta, Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga Puso, Mayuhan.  Lahat ng ito ay ating pinaghahandaan at ipinangungutang, para kanino? 
  • Ang pagnanais na maging katanggap-tanggap, in at kung minsan bida o pupolar-  Dahil nais nating walang masabi sa atin ang ating kapwa at tayo ay nakikisama, umaayon na lamang tayo sa agos.
  • Media, Materyalismo at Komersyalismo-  kung dati rati radio lang at bibihira ang may TV, ngayon, ordinaryo na lamang ito sa bawat tahanan.  Hindi na lamang natin naririnig kundi nakikita pa natin ang napakaraming produktong ipinopromote.  Media now dictates how we would dress, eat and even breath!  How willing are we to be dictated and influenced?
Sa lahat ng ito, ang ating lubus-lubosang pagnanais na makalaya sa kakapusan at marahil, ay maging iba sa nakararami ang magtatakda kung hanggan saan tayo lulugar.

Ngunit higit sa lahat, napakaganda ring balikan at alalahanin ang ipinangako, plano at tagubilin sa atin ng ating Panginoon.

 “For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”- Jeremiah 29:11

“Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up.”  Galatians 6:9

Thursday, December 23, 2010

A Perfect Christmas Gift We Can All Give

By Gilbert M. Forbes

Everybody is thinking of the perfect gift for this Christmas.  It could be a gift for God-children, nephews, love ones, siblings, parents, friends and other relatives including self.

But this Holiday Season, more than anything else we seem to forget that other than the ordinary, there is the extraordinary which needs our gift the most.  It’s we, God and our country needing a different kind of gift.  Particularly now that Christmas season have become highly commercialized and materialized-- totally separating from its real meanings which emanated from its very humble but holy and glorious beginning which actually jumpstarted men's salvation from weakedness and sins

It is the gift of wisdom.  Too few have this gift for if the majority has, then we don’t have this kind of society—insensitive, corrupt, and morally bankrupt   Christ our Lord and country need a different kind of gift too.  Christ our Lord needs the gift of genuine following not lip-service and seasonal worship.  For after all those who is following Him truly as what the scriptures say are the only persons who could be worthy called Christians.  The rest could be considered pagans or secular individuals.

Our country needs true following and a love second to God.  Many times we focus and stick too much to the family that we forget ourselves, country and God.  Many times, the families as the center proves to be very much detrimental for it becomes the root cause of dependence, corruption, of high tend individualism and insensitivity towards national patrimony, genuine social progress and development.

This time of season, more than the ordinary, why not try to give ourselves as gift to our Gods and country and it will multiply a thousand fold for as the scriptures say “Seek ye first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added unto you.”

We dream of making the Philippines worthy of being labeled as the only Christian nation in the far east.  MERRY CHRISTMAS!

Tuesday, December 21, 2010

Ang May Madudukot Ay Ang May Isinuksok

Sadyang mahirap ang umiwas sa kaway ng materyalismo.  Kung wala kang tiyak na layuning pampinansyal, tiyak na imbes na mauna ang pagbabayad sa pagkakautang ay siguradong mapupunta ito sa mga produktong in lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Sa pagpasyal pa lamang sa mga shopping malls at iba pang mga pamilihan ay naghambalang ang mga bargains.  LCD televisions, laptop at netbook computers, china phones, querty branded phones, damit, sapatos, pagkain, at iba pang mga produkto.

Ako mismo ay natutuksong lumiban na muna sa pagbabayad ng utang upang bumili ng mga kagamitang pantahanan na sinasabi at idinidikta ng aking isipan na kailangan naman.  Halimbawa na lamang ay bagong sala set, dress closet, cooking rack, at bagong touch screen cell phones.  Wala pa kase kaming sala set at pati bagong kurtina ay kelangan din.  Kelangan ding dagdagan ang dining chairs at bumili ng bagong unit ng cell phone para may contact sa bahay.

Nakakatukso ngang gamitin na ang credit cards namin sapagkat may mga offers na sa March pa ng darating na taon ang simula ng pagbabayad.  Ngunit hindi puwede ang magpadalus-dalos sapagkat 25% ang monthly deficit ng monthly income para sa monthly expenses na napupunan lamang ng mid-year bonuses at iba pang incidental cash incentives.

Pero sa lahat ng ito, lutang na lutang ang katotohanan na madali ang mangutang ngunit napakahirap magbayad. Lubhang napakahalaga ng katotohanang mas dapat mauna ang pag-iimpok sa pinakamabilis na paraan na dapat samantalahin ng mga wala pang utang at bago pa lamang sa larangan ng paghahanapbuhay o pagkita ng pera.

Sa ganang amin na matagal na at ang nauna ay ang pagkakamal ng utang at hindi ng impok, ay ang makalaya sa pagkakautang sa pinakamabilis na paraan.

Sadyang mahirap, at maituturing na nakakahiya, o nakakaalangang isipin na ang iba ay nakabibili ng nais nila kahit na kung minsan, eh mas angat ang ating mga hanapbuhay at mga sweldo pero sa panahon ng krisis at biglaang pangangailangan, ang tanging may madudukot ay ang mga may isinusksok.

Sunday, December 12, 2010

Seven Ways to Avoid Bad Debt (Pitong Paraan ng Pag-iwas sa Masamang Utang)

Sa mga naglipanang produkto ngayon at sa pagnanais nating maging -in sa barkada at sa lipunan, marami sa mga nagsisimula pa lamang na kumita ng pera ang dahan-dahan nang lumulubog sa pagkakautang at kakapusan ng hindi nila namamalayan.  Marami ang hindi pa panahon ng sahod ay kailangan ng mag-cash advance o kaya’y isanla ang kani-kanilang ATM Cards na usung-uso ngayon sa mga pabrika at mga pribadong kumpanya.  Ang mga datihan namang  may pagkakautang at babago pa lamang nakalalaya rito ay ganun din.  Bigla nilang namamalayan na may utang na naman sila na kailangang bunuin at pagsikapang bayaran.  Malimit dahil sa mga gastusing hindi pana-panahon at hindi naman maituturing na biglaan tulad ng tuition, panghanda sa birth day, reunion, paskuhan at iba pa.

Upang huwag mabulid at matukso sa utang, makatutulong ang sumusunod na tips o mungkahi sa bawat isa atin.

  • Magbasa, mag-aral, at bumili muna ng mga aklat tungkol sa Financial Literacy bago ang pagporma at mga gadgets.  Sa oras na magkatrabaho tayo at magsimulang kumita. Unahin agad ang magtabi o mag-impok at pagbili ng mga aklat tungkol sa kahalagahan ng Financial Literacy, at Personal Finance upang magkaroon ng kaalaman kung paano at bakit kailangang lumaya sa kakapusan.
  • Panatilihin ang dating uri ng pamumuhay at paraan ng paggastos na tulad noong wala pang trabaho. Bilhin lamang ang mga pangunahing pangangailangan sa tahanan.  O kung nakatira pa rin sa magulang, share sa pagkain at iba pang gastusin sa bahay at itabi na lahat ang matitira.
  • Magbudget at maghanda ng tinatawag na irregular expenses account o listahan ng mga gastusing pana-panahon kung dumating tulad ng pagbabayad ng tuition, pagbili ng mga uniporme at mga gamit pampaaralan, Pasko, Birth Day, Valentines Day, Anniversaries, at iba pa at isama na ito at paglaanan upang maiwasan ang pangungutang sa panahon na ang mga ito ay kakailanganin.
  • Huwag matoto o maingganyong mangutang.  Iwasan at ituring ang utang bilang isang nakahahawa at nakamamatay na karamdaman.  Tandaan na lahat ng utang ay masama kung ito ay nagiging dahilan upang mabawasan ang inyong kita at halaga ng ari-arian o asssets.  Umutang lamang kung gagamitin sa isang negosyo na siguradong kikita.
  • Huwag kumuha ng isang bagay na pahulugan o mangutang para lamang bumili ng isang bagay tulad ng mga alahas, gadgets, damit, mga kasangkapan sa bahay at iba pa.
  • Panatilihin ang budget sa dating antas kahit na tumaas na ang buwanang suweldo dahil sa mga nabayarang utang, o umento at ibulid ito sa mga nalalabi pang pagkakautang o kung tapos na ay impokin upang lumago sa pinakamabilis na paraan.
  • Huwag padalus-dalos at paimpluwensya sa tukso ng materyalismo at ng kapwa at ituon lamang ang tingin sa layuning makalaya sa kakapusan sa pinakamabilis na paraan.
  • Maging simple at huwag mag-astang mayaman.  Sa ngayon, hindi pinag-uusapan sa mataas na lipunan kung anong mga mamamahaling gamit meron ka kundi una muna rito ang uri at laki ng iyong mga investments.
Tandaan, na malaki ang tulong na magagawa sa atin kung tayo ay walang masamang pagkakautang sapagkat iwas isipin din bukod pa sa mas mapapabilis ang ating pag-iimpok.

Maaari ring tunghayan ang sumusunod:

Basics on Personal Finance






Tuesday, December 7, 2010

Eight Steps to Get-out of Bankruptcy and Debt (Walong Paraan ng Paglaya sa Pagkakabaon sa Utang)

Matapos nating malaman ang ating net worth batay sa inihanda nating Statement of Assets and Liabilities, ay ang plano naman tungo sa kalayaang pinansyal ang nararapat ihanda batay sa uri o antas ng pamumuhay na ating gusto.  Pero paano kung lumabas na negatibo ang net worth at tayo ay kabilang sa mga financially bankrupts?

Ito ang pinakamalaking hamon dahil imbes na makapagsimula (start-up)  na agad tungo sa pag-iimpok at pagpapalaki ng kita (increasing passive income) ay ang pagbabayad ng mga utang muna ang kailangang bunuin.  Sa ganitong sitwasyon, makabubuting balikan ang mga naging kadahilanan ng pagkabaon sa utang upang huwag na itong maulit pa.

Ang tanging dapat tutukan ng lahat ng nasa ganitong antas pinansyal ay ang mabayaran ang lahat ng pagkakautang sa pinakamabilis na paraan.  Malibang mabayaran muna lahat ang pagkakautang, hindi  puwedeng magsimula ng pag-iimpok maliban sa pang-emergency dahil hindi ito praktikal.  At upang makalaya sa ganitong sitwasyon, iminumungkahi ang sumusunod:

  • Magbudget kasama ang pamilya at gawing mulat sila sa inyong katayuang pinansyal upang makatulong sila sa pagtitipid at paggawa ng paraan kung paano mabilis na makakalaya sa hamong ito.  Tandaan, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat.
  • Strictly monitor your daily expenses upang malaman ang pattern ng paggastos sa araw-araw at malaman kung alin sa mga ito ang puwedeng itigil upang mabawasan ang gastusin at maidagdag bilang pambayad sa utang.
  • Bilhin lamang at paglaanan ang talagang kailangan.  Hindi naman tayo mamamatay kung walang bagong cell phone, telebisyon at computer.
  • Bayaran ang utang sa pinakamabilis na paraan at unahin ang may pinakamataas na pataw na interes.
  • Makipag-areglo sa mga pinagkakautangan upang mabigyan ng amnestiya.  Makatutulong ito ng malaki upang mapababa ang interes at maiangkop ang pagbabayad ayon sa nalalabing kakayahan.  Siguraduhin lamang na makasusunod sa pinasok na kasunduan upang hindi ito maging dahilan ng lalong malalang suliranin.
  • I-renew lamang ang mga utang na may mababang interes na hindi lalampas sa 10% tulad ng sa PAG-IBIG, GSIS, SSS at iba pa ngunit para mabayaran lamang ang mga pagkakautang na may matataas na interes.
  • Siguraduhing hindi papalya sa pagbabayad ng utang sa PAG-IBIG, GSIS, SSS at iba pang nagpapautang na may mababang interes sapagkat hahatawan ka naman ng mga ito sa penalty at surcharges. Higit sa lahat, iwasan ang maging in-default sa pagbabayad sapagkat mawawala ang insurance ng inyong utang at madadamay ang inyong naihulog pati na ang kinita nito.  Ito ang dahilan kung kaya marami ang walang natatanggap sa panahon ng biglaang pagyao dahil kulang pang ibawas sa kanilang utang ang benepisyong dapat sana ay mapapakinabangan ng mga naiwan.  Makatutulong na basahing mabuti ang kasunduan sa pag-utang at unawain itong mabuti o magtanong kung may mga bagay na hindi nauunawaan.
  • Protektahan at isiguro ang sarili sampung ulit ng kabuuhang gastusin sa isang taon plus ang kabuuhang halaga ng lahat ng pagkakautang.  Siguruhing kasama sa gastusin ang buwanang bayad sa mga pagkakautang).  Ito’y anu’t-ano man ang mangyari ay hindi magiging kawawa ang pamilyang maiiwan.

Sa sandali lamang na tayo ay makalaya sa negatibong networth at mga pagkakautang ay doon lamang tayo makapag-iimpok na syang simula ng landas tungo sa kalayaan sa kakapusan.  

Tara na kapatid at sama-sama nating paunlarin ang mga biyayang bigay sa atin ng Maykapal hindi lamang para sa ating pamilya kundi higit sa lahat, sa mga tunay na dukha at nangangailangan ng ating pagdamay.

Sunday, December 5, 2010

Deped celebrates 2010 Education Week

“Edukasyon, Tungo sa Tapat na Pagbabago at Pag-unlad,” is the theme of the 2010 Education Week Celebration of the Department of Education held Dec. 6- 10 nation wide.

According to DepEd Memo No. 491, s. 2010 released by the central office last Friday, the celebration aims to reaffirm and emphasize the role of education in empowering and developing the young to become productive citizens of the country and responsive to the needs of the times; strengthen cooperation among stakeholders in education to support the necessary and significant changes to achieve quality and relevant education and inspire every educator to do more for the schoolchildren to ensure their future.

All school officials are encouraged to conduct simple and austere programs and activities consistent with the theme and objectives of this year’s celebration during the week while regional directors and schools division superintendent are enjoined to take active lead in it.

Part of the suggested activities are simultaneous flag raising and inspirational talk of highest official present, putting-up of bazaars or tiangge, seminar, training workshops, team building for teachers and students, exhibits of outstanding achievements, academic and co-curricular contests, tree planting, tree growing and tree-caring activity, run for education funds collected will help in renovating school buildings destroyed by typhoons, Brigada Eskwela Plus, Balik Paaralan (The Supreme Student Governments and School Pupil Governments officers will serve as teachers to out-of-school youth, street children,  and others.  They may give books, papers, pencils, pens and other school materials) and Pasko Na! (Schools and Offices will conduct a pre-Christmas activity like gift-giving.  Beneficiaries should come from poor communities, orphanages and others.

Any of the said activities however are not suppose to disrupt classes so necessary arrangement should be made, DepEd emphasized in its memo.

Saturday, December 4, 2010

SALN Preparation: Basis of Knowing How Financially Healthy or Un-healthy We Are (Being Truly Rich: Third Part in a Series)

Ni:  Gilbert M. Forbes
DepEd QUEZON, CALABARZON 

Sa ikalawang serye, nalaman natin na na ang kayamanan o paglaya sa kakapusan ay ang pagkakaroon ng salapi na pangtustos sa oras ng ating pangangailangan. Ang ating pangangailangan sa araw-araw ang magtatakda kung ano ang sapat na kayamanang akma para sa atin. Ang ating pangangailangan sa araw araw ay dapat iakma sa ating kakayahan. Dapat tayongmamuhay kung ano lamang ang ating kaya.  Ito ang tinatawag na simpleng pamumuhay na maituturing na malayo sa masyado ng materyalistikong uri ng pamumuhay ngayon.

Pero pano tayo magsisimula.  Nasaan na nga ba tayo kung ang paglaya sa kakapusan ang pag-uusapan?  Upang malaman natin kung nasaan na nga ba tayo financially ay kailangan nating malaman una-una ang ating net worth.   Ang net worth o kabuuang halaga ng ating pera at ari-arian minus lahat ng uri ng pagkakautang.  Ang net worth ay nakikita sa yearly Statement of Assets and Liabilities (SAL) na ating inihahanda.  Kaya mahalaga na maihanda ito ng tama kahit na ordinaryong tao lamang tayo at walang back ground ng accounting.

Lahat ng nagnanais lumaya sa kakapusan ay dapat na naghahanda nito.  Narito ang ilang bagay na dapat maunawaan sa paghahanda ng ating SAL.  Steps in the preparation of SAL.

1.  Alamin ang kabuuang halaga ng ari-arian sa pamamagitan ng paglilista at pagsasama-sama ng kabuuhang halaga ng lahat ng ito na maaaring kapaluuban ng sumusunod:
    • Raal Properties like House and lot, land, residential lots, agricultural lands, buildings, and the like either mortgaged or fully paid
    • Personal properties e.g. car, jewelries, books, clothes, CD/VCD/DVD collections, toys, antiques, home appliances and utensils, cell phones, computer either desktop, laptop or net book, home furnishings, etc.
    • Bank savings accounts and time deposits 
    • Private and government insurances and pre-need plans cash surrender values
    • Stocks, equity or share capital in cooperatives, corporations, or partnerships
    • Mutual Fund like PAG-IBIG and MATMAS, total contributions or equity paid.  Pangkalahatang share sa nabanggit na mga mutual aide systems.
    • Trust funds like that of GSIS and SSS pension fund, private pension or retirement funds.
    • Money Market placements e.g., shares of stocks in the stock market, mutual investment funds, etc.  Ito ang mga perang naka-invest saping puhunan sa malalaking korporasyon bilang isang stocks holder na maaaring tulad ng MERALCO, PLDT, ABS-CBN, SAN MIGUEL atbp.
    • Receivables, advance deposits or payments on leases, royalties.  Mga perang tatanggapin pa lamang bilang kabayaran sa mga pautang, mga paupahan, at iba pa
2. Alamin ang kabuuang halaga ng lahat ng pagkakautang na maaaring kapaluuban ng sumusunod:
    • Personal Loans.  Ito ay kinapapalooban ng pagkakautang sa iba’t-ibang tao, ahensya at iba pa maliban sa mga bangko, credit cards, GSIS, SSS, at PAG-IBIG
    • GSIS, SSS and PAG-IBIG loans
    • Bank Loans
    • Credit Card Payables
    • Mortgage payables e.g., house and lot or car.  Tinutukoy nito ang kabuuhang natitira pang bayarin alinsunod sa haba ng panahon ng pagbabayad na napagkasunduan
    • Policy Loans to different insurance and pre-need companies
    • Remaining premiums payables of all insurances either life, accident, memorial, and others
    • Remaining premiums of pre-need plans like term retirement plans, memorial plans, educational investment plan, health care plans, etc.
3. Matapos na makuwenta ang kabuuhang halaga ng mga ari-arian at mga pagkakautang o liabilities, ibawas ang liabilities sa assets.  Ang resulta negatibo man o positibo ay ang ating net worth.

Ang ating net worth ang magsisilbing batayan ng ating plano o naisin upang tuluyang makalaya sa kakapusan.  Makatutulong nang malaki kung babalikan ang mga salik na hindi nakatulong upang maiwasan at tuluyan na itong matigil samantalang maipagpatuloy naman at lalo pang mapabuti ang mga salik na nakatulong.

Ang paglaya sa kakapusan ang katuturan kung bakit tayo kumakayod bukod sa layuning matugunan ang ating mga pang-araw-araw na pangangailangan dahil kung hindi, ay ano pa ang maiututuring na kabuluhan ng ating pagsusumikap.

Maaari nyo ring basahin ang sumusunod:

Ang Tunay na Mayaman ((Being Truly Rich: First in A Series on Financial Literacy and Personal Finance)

Being Truly Rich: Gaining Financial Freedom (Paglaya sa Kakapusan) Second Part in a Series

Eight Steps to Get-out of Bankruptcy and Debt (Walong Paraan ng Paglaya sa Pagkakabaon sa Utang)

Seven Ways to Avoid Bad Debt (Pitong Paraan ng Pag-iwas sa Masamang Utang)

Sustaining Gained Grounds on the Way to Financial Freedom (Tuloy-tuloy Tungo sa Kalayaang Pinansyal)