Sadyang mahirap ang umiwas sa kaway ng materyalismo. Kung wala kang tiyak na layuning pampinansyal, tiyak na imbes na mauna ang pagbabayad sa pagkakautang ay siguradong mapupunta ito sa mga produktong in lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Sa pagpasyal pa lamang sa mga shopping malls at iba pang mga pamilihan ay naghambalang ang mga bargains. LCD televisions, laptop at netbook computers, china phones, querty branded phones, damit, sapatos, pagkain, at iba pang mga produkto.
Ako mismo ay natutuksong lumiban na muna sa pagbabayad ng utang upang bumili ng mga kagamitang pantahanan na sinasabi at idinidikta ng aking isipan na kailangan naman. Halimbawa na lamang ay bagong sala set, dress closet, cooking rack, at bagong touch screen cell phones. Wala pa kase kaming sala set at pati bagong kurtina ay kelangan din. Kelangan ding dagdagan ang dining chairs at bumili ng bagong unit ng cell phone para may contact sa bahay.
Nakakatukso ngang gamitin na ang credit cards namin sapagkat may mga offers na sa March pa ng darating na taon ang simula ng pagbabayad. Ngunit hindi puwede ang magpadalus-dalos sapagkat 25% ang monthly deficit ng monthly income para sa monthly expenses na napupunan lamang ng mid-year bonuses at iba pang incidental cash incentives.
Pero sa lahat ng ito, lutang na lutang ang katotohanan na madali ang mangutang ngunit napakahirap magbayad. Lubhang napakahalaga ng katotohanang mas dapat mauna ang pag-iimpok sa pinakamabilis na paraan na dapat samantalahin ng mga wala pang utang at bago pa lamang sa larangan ng paghahanapbuhay o pagkita ng pera.
Sa ganang amin na matagal na at ang nauna ay ang pagkakamal ng utang at hindi ng impok, ay ang makalaya sa pagkakautang sa pinakamabilis na paraan.
Sadyang mahirap, at maituturing na nakakahiya, o nakakaalangang isipin na ang iba ay nakabibili ng nais nila kahit na kung minsan, eh mas angat ang ating mga hanapbuhay at mga sweldo pero sa panahon ng krisis at biglaang pangangailangan, ang tanging may madudukot ay ang mga may isinusksok.

No comments:
Post a Comment