Monday, June 13, 2011

DepEd Zero Collection Policy Continuously Stirs Confusion

Gilbert M. Forbes

Although the Zero Collection policy of DepEd has been there for years, still, it has continuously stirring and creating confusion in the field every time enrollment comes.  Parents have been consistent on reporting teachers and school officials who are allegedly not following DepEd’s ruling about it only to find out that what they are collecting are accounts of the previous school year which parents have failed to settle.

What is surprising is that most of these schools are located in highly progressive and urbanized places which have more resources than their counterparts in rural and highly depressed areas.  The Learning Captain learned that collection ranges from Php300.00 to more than Php500 due partly to additional expenses that parents agreed to shoulder e.g., security guards, computer instructor, utilities, and test paper printing.

Due to media mileage, it is also creating negative impression among one sided parents that everything is totally free to the detriment of school operations nation wide which are dependent on parents and community support for its major operating expenses such as test paper printing, electricity and for some water.

DepEd Order No. 41, s. 2011 and DepEd Order No. 19, s. 2008 clearly state that no fees shall be collected from kindergarten to grade four pupils through out the school year.  This prohibition covers authorized but voluntary contributions such as BSP, GSP, Red Cross, Anti-TB Fund and PTA.

Above statement is confusing and are actually in contradiction with realities in the field.  For instance, what if a primary pupil wants to be a Star and Kab Scouts and the parents agreed to voluntarily pay for the membership fees?  What about the PTA Fund which involves every parent?  Does it mean they will no longer be required to pay for the agreed PTA fees?    Does it mean that nothing shall be collected from them?  What about the publication fee?  Does it mean that only grade five and six pupils could voluntarily pay the publication and scouting membership fees?  Allowing only the intermediate grades to pay for the publication fees will surely not sustain its existence among schools will less than two thousand enrollment considering printing cost, transportation and registration expenses during press conferences.

Majority of the school leaders have explained and established partnerships with their existing PTA’s with regards to expenses that they need to shoulder particularly test paper printing and electricity because though some are already receiving their MOOE, still it’s not enough to cover even half of their yearly electric bills.  However, with reference to DepEd Order No. 41, s. 2011 and  DepEd Order No. 19, s. 2008, all of these turns to be not allowed because literally, this move will still include parents of kinder to grade four pupils who are being protected by the said guidelines.

The last recourse usually is to turn to LGU’S for assistance.  But some LGU officials from 3rd to 5th class municipalities are already reacting why DepEd has to ask for things they could no longer afford.  “It would be alright for rich municipalities, but even first class municipalities SEF Fund isn’t enough to assist our schools because big chunk of it usually go to Sports or to salaries of locally funded teachers.”

DepEd certainly has to clarify these things up because it is the teachers who are suffering in shouldering basic operating expenses which the parents or the government should shoulder while school heads are afraid of being reprimanded or face administrative charges.

16 comments:

Anonymous said...

gud day po. can you give a specific and mandatory list ng mga dapat lamang bayaran ng mga magulang sa high school.. kase dito po sa amin e Php1250 po ang sinisingil ng principal sa mga magulang for the whole year. ang sabi po kase ng principal ay kasama po sa dapat i-budget ay ang mga ginagastos ng principal sa tuwing dadalo sya ng mga seminars dahil kung di raw po sya gagastusan ay di sya dadalo sa mga naturang seminars kaya kahit isang kusing daw po ay di sya gagastos galing sa sarili nyan bulsa..

The Learning Captain said...

Nakasaad po sa DepEd Order No. 41, s. 2011 ang hinggil sa mga pinapayagan lamang na bayaran ng Kagawaran. Ang iba pa po na hindi kabilang o nabanggit sa kautusang ito ay on voluntary basis o ayon sa napagkasunduan ng Samahan ng mga Magulang at Guro.

Halimbawa nito ang mga kagastusang kailangang ipasa sa mga magulang kung wala o hindi sapat ang MOOE na tinatanggap ng paaralan tulad ng test paper, kuryente, security guard kung napagkasunduan na kailangan nito, publikasyon o school organ, Athletic Fund, Red Cross, Anti-T.B., at BSP-GSP Sustaining.

Maaari ring isama rito ang iba pang napagkasunduan o pinayagan ng mga magulang na bayarin tulad ng SSG Fund, Academic Standing Fund na nakalaan sa gastusin ng mga panlaban sa mga Tagisan ng Talino, at Cultural Fund.

Hinggil sa representation budget ng principal, paumanhin sa principal, hindi po ito nararapat. Ang mga gastusin sa ilalim ng tanggapan ng punong guro ay maaari lamang kunin sa 35% na kabahagi mula sa kita ng kantina at sa MOOE na regular na tinatanggap nila.

Karapatan ng isang principal na huwag gumastos ng sariling pera kung ito ang kanyang gusto pero hindi rin naman nararapat na ipasa sa iba ang mga pagsasanay na sya rin naman ang nakikinabang bilang bahagi ng kanyang propesyunal na pag-unlad at promotion.

Kung may reklamo po kayo, dapat po ay iparating nyo ito sa cluster head ng inyong paaralan. Kung hindi nabigyan ng aksyon ay sa division office, kung hindi rin sa region at kung hindi pa rin, sa national.

Mangyari rin po na makipag-alam kayo sa iba pang opisyales ng inyong paaralan bago nyo iakyat ang inyong hinaing sa higit na nakatataas. Baka naman, nagkakamali lang kayo ng sapantaha o ito ay narinig lamang ninyo kung saan.

Huwag po sana tayong magpabigla-bigla sapagkat pangalan din ng paaralan at ng inyong pamayanan ang nakataya.

ching said...

kapag po ba napagkasunduan ng majority ng mga magulang na kasali sa pta na magkaroon ng ambagaan. mandatory na po ba ito sa lahat maging sa mga ayaw. o magiging compulsary na ba ito dahil lamang sa majority vote ng pta assembly?

The Learning Captain said...

Minamahal na Ching,

Tama po kayo. Ganyan po talaga sa ilalim ng demokrasya. Ang nakararami ang makapangyayari. Pero kung sa ikabubuti naman ng ating paaralan ang kanilang mga proyekto at ginagabayan ng konsepto ng pagtugon sa kung alin talaga ang higit na kailangan at tuwirang tutugon sa agarang pangangailangan ng mga mag-aaral tulad halimbawa ng elektrisidad, bentilasyon, probisyon ng tubig, palikuran, kagandahan at kalinisan ng paaralan.

Lamang, dapat ang kabuuhang bayarin ay kaya ng pangkaraniwang mamamayan o nagpapaaral.

Ngayon, kung talagang hindi kaya ng ilan lalo na iyong nagsisikap lamang itaguyod ang pag-aaral ng mga anak dahil isang kahig isang tuka ay mangyari lumapit po kayo sa kinauukulan at ipaliwanag ang inyong sitwasyon.

Makatutulong po kung kayo ay lehitimong pinakadukhang pamilya na pinatutunayan ng sapat na mga dokumento tulad ng 'indigent card' mula sa DSWD at hindi kasama sa Programang 4P's.

Sa mga nagdaan pong paaralan na pinaglingkuran ng The Learning Captain, ang ginagawa po namin upang maging kabahagi pa rin ang lubhang mga walang kaya ay ang magbigay sila ng talento at panahon. Halimbawa, pagkakarpintero, pagpipintura at iba pang gawaing pang-'maintenance.'

Nawa po ay nakatulong ang kasagutang ito.

Anonymous said...

isa po akong pta officer na nung una ay wlang kaalam alam sa deped order41...sa skul po kasi namin ay hindi binigyan ng id ang hindi nagbayad ng fee..kaya naman ang mga magulang na nais mgka id ang anak ay nagsipgbayad ...ano po ba nag nararapat naming gawin sa pta???

matanong ko n rin po kung may fee rin ba para sa pagsusulit at kanino po kaya ito napupunta??? ang pagkasabi po kasi sa amin ay binnabayad ito sa pespa at magbayad man ang bata o hindi sa testing material ay kailangan bayaran sa PESPA ..mahigiut po isang libo na pupils po ang binyaran naming pta sa halagang higit kumulang....00000.00 pra lng po sa unang pagsusulit yan....

The Learning Captain said...

Hinggil po sa huling katanungan,talaga pong kailangang bayaran ang ID lalo na kung hindi ito covered ng MOOE ng paaralan kung meron man. Ganun din po ang test paper.

Ang tungkol naman sa sinasabi n'yong PESPA ay hindi ko po ito maintindihan. Ano po ba ang ibig sabihin ninyong PESPA kase sa pagkakaalam ko, ita ay tumutukoy sa Philippine Elementary School Principals Association kung kaya hindi puwedeng mangyari na doon mapunta ang mga binabanggit ninyong bayarin.

Anonymous said...

salamat po sa inyong kasagutan...malinaw po na sinabi sa amin ng aming punong guro noong unang una nya kaming mineeting as elected officers na sa PESPA daw niya ibabayad ang binigay namin sa kanyang testing materials fee...un din nga po ang tanong ko ngayon na alam ko na ang ibig sabihin ng PESPA...bakit??? samantalang malinaw na nasabi sa amin ng deped supervisor na dapat ay hindi na kmi mangongolekta nitong testing mat fee...ang masama lang ang nalaman naman itong order na ito ngayon agosto lang kung kailan marami na nag nakabayad na magulang at naibigay na sa aming punong guro ang fee...

may karapatan po ba kami na PTA officers alamin kung magkano at saan napupunta ang MOOE ng aming punong guro? pati po kasi pamasahe nya sa seminar at mga school supplies ay naibawas na sa pta fund bago pa man din ito maturn over...

tsaka d b po bawal dapat sila humawak ng pta collection???

The Learning Captain said...

Puwede naman po kayong magtanong at hindi naman ito masama lalo na sa isang demokrasyang bansang tulad natin. Pero bago po nyo sya tanungin ay makabubuting tanungin po muna ninyo ang school property custodian at inspecting officer.

Sa kanila po ninyo malalaman kung saan ito napupunta. Kung hindi po kayo satisfied sa kanilang kasagutan ay saka kayo magtanong sa kanya.

Hinggil po sa paghawak ng pera ng PTA, hindi po nasasaad sa guidelines na puwede silang humawak ng pera. Ito po ay dapat na nasa treasurer.

Maliban po sa MOOE at canteen income share ng opisina ng punong guro at iba pang salaping ipinagkatiwala sa kanya ay wala ng iba pang puwedeng hawakang pundo ang punong guro.

Hinggil po sa pamasahe ay puwede naman po kung ito ay pinayagan ng pamunuan at kulang na ang MOOE para sa iba pang operating expenses na tulad ng inyong binanggit.

Tama po kayo, ipinagbabawal ang paghawak ng koleksyon maging ang pangongolekta maliban sa mga pinayagang item na nauna nang naipaliwanag sa forum na ito.

Anonymous said...

Mabuti pa ibigay ninyo lahat ang kailangan ng mga batang mag-aaral halimbawa school supplies, damit, sapatos, skillbook. Pagandahin nyo ang facilities ng paaralan. Teacher na matatanda na at tamad ng magturo ng makabagong pamamaraan. Maiiwasan ang lahat ng yan kung wala kayong sinasabing voluntary contribution like GSP, BSP etc. Wala na kung wala para walang pinagtatalunan pagdating sa bayaran. Puro kayo salita . Teacher naman ang nahihirapan hindi kayong mambabatas.

Anonymous said...

hindi mo naintindihan ang deped order 41 s. 2011. wala talagang babayadan ang 1-4 any time during the school year. ang id ay sa mooe dapat kunin.ang kuryente at security ay sa mooe din deped order no. 60 s.2011

Anonymous said...

marami n sa mga principal anng umaabuso pag dating sa mooe

The Learning Captain said...

Tulad po ng nabanggit na dati. Depende po sa pangangailangan ng paaralan ang paggasta sa MOOE. Sa mga paaralang napakaraming dapat ayusin tulad ng mga tumutulong bubong lalo na iyong na sa mga mahihirap na lugar kung saan walang inaasahang suporta mula sa lokal na pamahalaan, kulang pa po ang MOOE nilang tinatanggap.

Ito po ay ayon sa bilang ng mga mag-aaral. Hindi rin po lahat ay tumatanggap ng MOOE. Marami pa rin pong paaralan sa ibang sangay o dibisyon ang hindi tumatanggap nito.

First thing first po ang nararapat na panuntunan sa paggasta nito. Hindi po puwedeng sa kuryente lahat o sa security guard lalo na kung wala naman talagang item o plantilla para sa security guard.

Hinggil po sa pag-abuso, inaaudit po ito, yon nga lang po, kailangang maipakikita kung saan ito napupunta.

Anonymous said...

yon nga po mas inuuna pa ng ibang principal ang maganda sa paningin tulad ng landscape garden kaysa tumutulong bubong. walang maayos na daloy ng tubig oo ngat maganda sa paningin pasukin mo naman ang room doon mo makikita ang kalidad ng edukasyon.

GILBERT M. FORBES said...

Totoo po ang inyong sinabi pero itinatama naman po iyan. Kung minsan po kase ay nakakalusot pa rin.

Dapat po kase bukod na nasa School Improvement Plan ang pinopondohan ng MOOE gaano man ito kalaki o kaliit, ito ay nasa procurement plan din.

Hindi pa rin kase maiaalis na tulad ng pangkaraniwang mamamayan, dala-dala nila ang ugaling pagpapasikat.

Ganito rin po ang PTA. Malimit, kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang gustong mga project na ipagawa ay walang direkta menteng epekto sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon.

O kaya, kung ang principal, ang priority sa MOOE ay ang higit na pangangailangan at itinotoka o assign sa PTA at komunidad ang beautification tulad ng repainting halimbawa ng mga murals ay sila naman ang umaayaw.

Sa kabilang banda, kailangan po ang mga isyung tulad nito ay mapag-usapan. Kailangan lamang ang kahandaan ng bawat isa sa maaaring maging epekto nito sa relasyon ng bawat isa sa simula sapagkat hindi maiiwasan na tiyak na magkakaroon ng tampuhan.

Anonymous said...

Good evening po.NMagtanong po ako about sa zero collection policy ng deped.Kung meron po ba approval ng PTa president at Principal pwede po ba mangolekta on voluntary basis po?Ano po ang gagawin?
Hangad ko po ang agarang pagasagot upang malinawan ako.

Anonymous said...

Magandang gabi po.Nais ko po magtanong about sa zero collection policy ng deped.Paano po kung ay approval po ng principal at pta pres at on voluntary basis po?Science -English camp po ang program.