By: Gilbert M. Forbes
DepEd Quezon, CALABARZON
Para sa marami sa atin, mayaman ka kapag ikaw ay nakatira sa isang mansion sa loob ng sikat na subdibisyon. Maraming sasakyan, kumpleto ang bahay sa kagamitan, mamahalin ang kasuotan at alahas sa katawan at malaki ang suweldo o kita. Ngunit gaano man karangya ang pamumuhay ng isang tao sa ating paningin, hindi ito sapat na batayan upang maituring ang sinuman na mayaman.
Para sa mga eksperto, ang usapin ng yaman ay nasusukat sa kanyang net worth at kung gaano ito tatagal. Ang net worth ay ang kabuuang halaga ng pera at ari-arian pag binawas na ang lahat ng pagkakautang o lialibilities. Halimbawa, maituturing na mas mayaman pa ang katulong ng isang milyonaryo sa Ayala Alabang kung ang kanyang ari-arian at pera ay kulang pang ipambayad sa lahat ng kanyang pagkakautang.
Bukod sa net worth, ang yaman ay nakabatay rin sa uri ng life style o pamumuhay. Halimbawa, kung may 150 Milyon ka at wala nang inaasahan kundi ito at dahil sa marangyang pamumuhay ay nakatakdang tumagal lamang sa loob ng 40 taon ay mas mayaman pang maituturing ang isang ordinaryong magsasaka na kumikita lamang ng sapat at nakapagtatabi ng sapat para sa kanyang pagtanda o pagreretiro.
Sa makatuwid, ang tunay palang mayaman ay iyong naabot na ang antas ng tinatawag na kalayaang pinansyal o 'financial independence' ayon sa antas na nais o pinili. Ito ay ang antas ng pamumuhay na hindi mo na kailangan pang maghanapbuhay sapagkat sapat na ang iyong ari-arian para suportahan ang mga batayang pangangailangan sa araw-araw ayon sa uri ng pamumuhay o life style na nais habang buhay.
Syempre, kung nais natin ng marangyang pamumuhay, mangangailangan ito ng malaking halaga ng passive income. Ang passive income ay kitang mula sa naipundar na mga negosyo kung meron, ari-arian tulad ng paupahang bahay, bukirin, interes ng perang naimpok sa bangko, dibidendo mula sa mutual funds, stocks at iba pang investments, pension mula sa retirement fund bukod sa SSS o GSIS at iba pa. Active income naman ang tawag mula sa ating kinikita sa ating trabaho na bunga ng ating pagpapawis, kakayahan, lakas, talento at iba pa.
Ang kalayaang pinansyal o financial independence ay tinatawag ding retirement stage ng mga financial experts sapagkat hindi muna kailangan pang puwersahin ang sarili upang maghanapbuhay o mapako sa routine ng regular na trabaho. Ito iyong estado ng pamumuhay na ikaw ang may kontrol sa iyong oras at ito ay maaaring makamtan sa maikli man o mahabang panahon depende sa paghahandang ginagawa mo ngayon.
Kaibigan, kung hindi ka masaya sa pinansyal na katayuan mo ngayon, pano ka kumikilos upang ito ay masolusyonan? Ipinagwawalang bahala mo ba ang mga bagay na maaari namang mapaghandaan at maiwasan ngayon pa lang? Alalahanin sanang ang lakas at kalusugang dulot ng kabataan ay may hangganan.
Ang sabi ng Bibliya sa wikang Ingles, “The wise man saves for the future, the foolish man spends whatever he gets.” Proverbs 21: 20. Saan ka nabibilang kaibigan?
(Ang artikulong ito ay kauna-unahan sa mga serye ng mga sulating inihanda para sa kamulatang pinansyal ng mga guro, empleyado sa pamahalaan at pribadong sektor, manggagawa at sa buong sambayanang naniniwala sa kabanalang hatid ng pagiging mabuting tagapamahala ng mga biyayang nagmumula sa poong Maykapal. Inspirasyon ng sulating ito ay ang aklat na Pera Mo Palaguin Mo o Wealth Within Your Reach ni Francisco J. Colayco at Rich Dad Poor Dad ni Robert Kiosaki.)
Maaari ring basahin ang sumusunod:
Being Truly Rich: Gaining Financial Freedom (Paglaya sa Kakapusan) Second Part in a Series
Knowing How Financially Healthy or Un-healthy We Are (Being Truly Rich: Third Part in a Series)
Eight Steps to Get-out of Bankruptcy and Debt (Walong Paraan ng Paglaya sa Pagkakabaon sa Utang)
Sustaining Gained Grounds on the Way to Financial Freedom (Tuloy-tuloy Tungo sa Kalayaang Pinansyal)

No comments:
Post a Comment