Ayon sa isang eksperto sa paghawak ng pera o tinatawag na financial management specialist na si G. Francisco J. Colayco, "kaya ng bawat isa ang magingmalaya sa kakapusan. Kung ikaw ay kumikita, mayroon kang pagkukunan ng puhunan at ito ay kaya mong palaguin. Kailangan lang ay mag-umpisa ka na agad."
Nailagay sa ating kaisipan na mahirap maging mayaman ang mahihirap. Ang pagiging mahirap daw ay bigay ng tadhana o kaya naman ay kawalan ng swerte. Ito ang uri ng mga paniniwala na dapat alisin upang maging malaya sa kakapusan. Ayon kay G. Colayco, ang pagkita ng salapi at pagpapalago ng kita aymagkasing-halaga. Ang dapat daw nating matutunan ay ang magplano sa pamamahala ng ating kita. Ayon sa kanya dapat nating tandaan ang mga sumusunod:
Ngunit mas makabubuti na habang maaga pa ay kumilos na sapagkat sa lahat ng nawawala na di na puwede pang ibalik ay ang oras o panahon. Reference: Modyul 19, Ang Pilipinas sa Pambansang Kaunlaran, Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City.
You may also like to read:

- Alamin ang pangangailangan sa hinaharap.
- Paghandaan at alamin ang mga wastong paraan upang makamit ang perang sasagot sa mga pangangailangan.
- Ibagay o baguhin ang iyong pangangailangan para sumang-ayon sa iyong kakayahan.
- Antas ng Pag-uumpisa - ibig sabihin ang lahat ng iyong kita ay galing saiyong sariling oras at pagod. Ang pinaka-unang dapat mong gawin aymaghanap ng pagkakakitaan. Ang iyong sariling lakas at talento ang iyongunang puhunan kung kaya dapat mong pagyamanin ang iyong sarili dahil ito ang una mong puhunan.
- Antas ng Pagpapalaki ng Kita - Narating mo na ang antas na ito kung nagtatrabaho ka pa rin ngunit 20% ng iyong kabuuang kita ay nanggagaling na sa interes ng iyong ipon o kita ng napamuhunang pera.
- Antas ng Pagkakaroon ng Kita Galing sa mga Ari-arian (Assets) -Narating mo na ang antas na ito kung nagtatrabaho ka pa rin ngunit 30-60% ng iyong kabuuang kita ay nanggagaling sa interes ng iyong naipon o kita ng napamuhunang pera.
- Antas ng Pagreretiro - Narating mo na ang antas na ito kung 100% ng iyong kita ay nanggaling na sa interes ng iyong naipon o kita ng iyong napamhuhunang pera kung kaya maaari ka nang hindi maghanap-buhay.
Ngunit mas makabubuti na habang maaga pa ay kumilos na sapagkat sa lahat ng nawawala na di na puwede pang ibalik ay ang oras o panahon. Reference: Modyul 19, Ang Pilipinas sa Pambansang Kaunlaran, Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City.
You may also like to read:
- Ang Tunay na Mayaman (Being Truly Rich: A Series on Financial Literacy and Personal Finance in Filipino)
- Knowing How Financially Healthy or Un-healthy We Are (Being Truly Rich: Third Part in a Series)
- Seven Ways to Avoid Bad Debt (Pitong Paraan ng Pag-iwas sa Masamang Utang)
- Value of Personal Finance as Advocates Promote Validated by Orman's Visit, A Wake Up Call to Skeptics
- Financial Education, A Must for Teachers
No comments:
Post a Comment