Wednesday, November 19, 2008

Edukasyon at Kamulatang Pulitikal

By Gilbert M. Forbes
 
Sa naganap na eleksyon sa America kung saan nailuklok ang ika-44 at kauna-unahang itim na pangulo, marami ang nainggit at nangarap na nawa ay mangyari rin ang ganun sa atin.

Mabilis, malinis at walang bangayan sa pagitan ng nagwagi at natalo. Anumang naging tunggalian ay agad na natapos sa pagsasara ng tabing ng halalan. Agad na tinatanggap ng natalo ang kanyang kapalaran at binabati ang mapalad kasabay ang pangangako ng suporta.

Marahil ito ay dahil sa mataas na antas ng pulitikal na kamalayan ng mga mamamayang Amerikano na di tulad natin. Isa ito sa dapat na tutukan ng lahat ng nagnanais ng pagbabago at pag-unlad ng ating bansa, ang pagkakapit bisig upang mabigyang pansin ang pagpapataas sa pulitikal na kamalayan ng mamamayan.

Kung magkakaroon ng mataas na pulitikal na kamalayan ang bawat isa, matuto na tayong pumili at maghalal ng tangi at s’yang nararapat. Sa puntong ito, hindi na magkakaroon ng puwang ang mga pulitikong mangmang at personal na interes lamang ang hangad na isulong kundi pulitikong may sapat na kakayahan at tunay na pagnanais na maging lingkod bayan.

Malaki ang papel dito ng paaralan. Matagal na ring bigo ang paaralan na makahubog ng mamamayang may mataas na antas ng oryentasyon o kamulatang pulitikal. Pero nararapat ba itong magpatuloy?

Napapanahon na upang ang paaralan ay maging kabahagi ng lipunan. Sa pamamagitan lamang nito matutuldukan ang krisis na pampulitika sa ating bansa.

1 comment:

Anonymous said...

It isn't hard at all to start making money online in the underground world of [URL=http://www.www.blackhatmoneymaker.com]blackhat video[/URL], Don’t feel silly if you haven’t heard of it before. Blackhat marketing uses not-so-popular or little-understood avenues to generate an income online.