Friday, March 18, 2011

Mensahe ni Kal. Luistro sa mga Magsisipagtapos ng 2011

     Mainit na pagbati sa lahat ng ating mga maipagmamalaking magsisipagtapos at sa lahat ng mga tagapamahala ng paaralan, mga guro at naglilingkod sa ___________ na tumulong sa mga batang ito na marating ang mahalagang pangyayaring ito sa kanilang buhay.

    Sa inyong magsisipagtapos, nagsikap kayong mabuti upang marating ang puntong ito na naghihiwalay sa kamusmusan sa pagiging teenager.  Lahat ng inyong natutuhan ay magagamit ninyo sa hinaharap.  Nagsisimula pa lamang ang inyong mga buhay na magbubukas sa marami pang pagkakataon para kayo ay umunolad sa mundo.

    Ang tema sa taong ito ay humahamon sa inyong mga bata, na gumawa ng magandang pagbabago sa inyong sariling pamayanan.  Bilang "Ang Mga Magsisipatapos:  Kaagapay Tungo sa Pagbabagong Anyo ng Lipunan, Tungo sa Hamon ng Sambayanan," bawat isa sa inyo ay tinatawag na maging mas mulat sa sarili ninyong pamilya at sa pamayanang inyong kinabibilangan.  Iyon ang mga daigdig na higit na malawak kaysa sa sarili na dapat ninyong pahalagahan sapagkat ang mga ito ang tumutulong upang kayo ay patuloy na umunlad.

    Kasabay ng malaking hakbang ninyo tungo sa panibagong yugto ng inyong buhay, isipin ninyo kung ano ang inyong magagawa, kahit sa mumunting paraan, upang matulungan ang mga nasa paligid niny.  Bilang mga Pilipino, tumulong sa kapwa PIlipino.  Matutong maging kapaki-pakinabang na mamamayan sa inyong mga pamayanan.

    Binabati ko kayo sa inyong tagumpay!  Pahalagahan ninyo ito.  Marami pang tagumpay na darating.


                     BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
                                                                                                                                    Secretary
Reposted from:  DepEd Updates

No comments: