By: Gilbert M. Forbes
DepEd Quezon, CALABARZON
Matagal-tagal na ring ginagamit ng mga tradisyunal na pulitiko ang edukasyon sa pagpapapogi, pagsusulong ng kani-kanilang mga pulitikal na interes at ambisyong manatili sa puwesto hindi lamang sa nasyunal kundi lalot higit sa lokal. Nagkukunwari silang mga kampeyon ng edukasyon subalit hungkag at walang pangmatagalan at mahusay na solusyong aasahan sa kanila. Ang mga kasapi naman ng school board na nakikinabang sa lisyang sistema ay pipi at bingi lalo na umano sa sa mga mayayamang lokalidad dahil sila man ay malaki ang pakinabang.
Ayon sa ilang mapapagkatiwalaang source minsang dumalo ang blogger na ito sa isang pagsasanay, dahil sa laki ng Special Education Fund ng mayayamang probinsya, kalunsuran at bayan, nagsisilbi umano itong gatasan o dagdag na pagkakakitaan ng nasabing mga opisyales dahil sa laki ng honorarium at allowances na tinatanggap nila na hindi bababa sa sampung libong kada buwan bukod pa sa mga per diem, rata at traveling allowances. Kung hindi man dahil sa matabang allowances, ay dahil sa kakulangan ng tuwirang alam, kakulangan ng pagbabad, pulso sa lehitimong ugat ng problema at senseridad sa kani-kanilang mga tungkulin.
Narito ang ilang estilo kung paanong nagagamit ng mga pulitiko ang kanilang kapangyarihan sa pagpapalapad ng papel sa mamamayan at lumutang na kampeyon ng edukasyon na nararapat lamang sa patuloy nilang suporta samantalang kahit kailan itoy hindi utang na loob ng mamamayan sa kanila dahil sa itoy bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Sa puntong ito, ano nga ba talaga ang nararapat na gawin ng sinumang mauupong matinong pulitiko at may tunay na pagpapahalaga sa edukasyon?
(Mr. Gilbert M. Forbes had his Bachelors Degree and MA in Educational Management (CAR) from the Philippine Normal University. A campus paper adviser and trainer for 13 years. Currently, he is a school principal in one of the central schools in the Division of Quezon.)

- Pagpapagawa ng mga over-prized o substandard school buildings nang walang pagsasaalang-alang kung alin at saan higit itong kailangan.
- Di-patas na suporta sa Basic Education Sector dahil mas malimit na napapaboran ay mga paaralang sekondarya. Siguro dahil sa malapit na silang maging mga botante at maaari ng makaimpluwensya sa kung sino ang nararapat na botohan ng kanilang mga magulang kaysa sa mga bata sa elementarya na syang pundasyon.
- Pagsawsaw sa tertiary education at pagbibigay ng higit na mas malaking educational assistance sa mga estudyante bilang mga college at university scholars sa harap ng napakalaking basic education drop out, at survival rate at napakababang participation rate ng school age populace sa mga probinsya at lokalidad na nabanggit.
- Hindi holistic na IT o computer education na tanging nakikinabang ay TLE na unang pinasimulan sa mga paaralang sekondarya. Mas nauna pang natuto ang mga studyante sa paggamit ng computers kaysa mga guro at maging mga pinuno ng paaralan. Gumasta ang mga lokal na pamahalaan at mga pulitiko sa programang ito ng limpak para sa pagpapagawa ng mga computer labs, pagbili ng mga computers, suweldo ng mga computer instructors, at iba pang maintenance at operating expenses. Kung hindi mga lokal na pamahalaan, ang programa ay pinundohan mula sa CDF ng mga congressmen at iba pang legislators.
- Pagbili at pamumudmod ng over-price at di-angkop na mga kagamitang panturo at pamimigay ng libreng uniporme at school supplies sa mga mag-aaral, nagugustuhan man o ito o hindi ng napagbibigyan.
Sa puntong ito, ano nga ba talaga ang nararapat na gawin ng sinumang mauupong matinong pulitiko at may tunay na pagpapahalaga sa edukasyon?
- Pagpapagawa ng anumang gusaling pampaaralan ng mga local na pamahalaan sa mga lugar at paaralang tunay na nangangailangan nito lalo na ang mga liblib at malalayong kanayunan na marami sa mga gusali ay hindi lamang napakatatanda na kundi maituturing na for condemnation na at nananatili lamang functional dahil sa walang ibang mapagtiyagaan ang mga guro at mamamayan sa lugar. Marami sa mga gusaling ito ay ginawa pa sa panahon ng dating Pangulong Diosdado Macapagal at Marcos at may ilan pang panahon pa ni Pang. Magsaysay!
- Lahat ng available resources para sa edukasyon ay dapat na ibuhos lamang sa Basic Education na nagbibigay diin sa antas ng kahalagahan o degree of importance ng pangangailangan at suliraning kailangang solusyonan. Ang pangunahing pokus ay dapat sa kung paano higit pang mapabubuti ang school level access at school level quality bilang bahagi ng pananagutan ng bansa sa international community patungkol sa Education for All o EFA lalot higit sa sambayanang Pilipino.
- Iwan muna at kalimutan ang pagsawsaw sa tertiary education at hayaan na muna ito sa pribadong sektor habang hindi pa lubusang naaabot ang targets na itinatadhanan ng programang Edukasyon Para sa Lahat (Education for All o EFA) sa ilalim ng Basic Education at hindi pa lubusang nakalatag ang mga mekanismong titiyak na ito ay tuluy-tuloy hanggang sa lahat ng kabataan ay sigurado ng makatatapos ng elementarya at 80% man lang sa kanila ay sekondarya. Hanggang nanatiling napakababa ng survival rate sa basic education, tuwirang maituturing na impraktikal at self-serving ang ginagawang pakikisawsaw ng mga pulitiko sa mga programang pangkolehiyo tulad ng pagbibigay ng mga scholarship grants samantalang napakaraming musmos ang nanganganib pa ring hindi man lang makatuntong ng elementarya o kung makatuntong man ay makatapos man lang ng primarya.
- Holistikong IT Education kung saan unang natuto ang frontliners sa pagbibigay ng edukasyon walang iba ang mga guro upang magamit nila ito sa paghahanda ng mga aralin, gamit panturo at mahusay at interesting na pagbabahagi ng kaalaman na titiyak sa pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon. Mas praktikal na magkaroon muna ng tigdadalawang computers sa bawat classrooms, isa bilang gamit panturo at isa bilang gamit ng guro sa paghahanda ng kanyang mga aralin bago ang pagkakaroon ng computer laboratories na tanging isang aspeto ng TLE curriculum sa sekondarya at EPP sa elementarya ang nakikinabang samantalang napag-iiwanan ang core subject areas at iba pang asignatura na ngangailangan rin ng tulong ng teknolohiya.
- Imbes na pagbili ng mga walang kwentang instructional materials ay dapat na pondohan na lamang ang paghahanda ng mga ito ng mismong mga guro na higit na nakaaalam kung alin ang nararapat at hindi ng walang string attached sa kanilang hanay sampu ng kanilang mga pinuno. Mas makabubuti rin kung gagawing socialized ang pamimigay ng mga uniporme at school supplies upang ang matitipid ay mailaan sa isang scholarship ng mga lubhang kapos palad na mag-aaral na ang mga magulang ay lubhang walang kakayahan upang masigurong makapagpapatuloy at mapapatapos lang nila kahit elementarya ang kanilang mga anak.
(Mr. Gilbert M. Forbes had his Bachelors Degree and MA in Educational Management (CAR) from the Philippine Normal University. A campus paper adviser and trainer for 13 years. Currently, he is a school principal in one of the central schools in the Division of Quezon.)
No comments:
Post a Comment